66

Nov 26, 2019 @ 14:02
By

Kulang sa shuttle! Thailand football team gagastos ng lampas P100K para sa van rental

Napilitan ang Thailand Football Association na magrenta ng sarili nilang van para sa kanilang mga atleta sa women’s football.

Sa report ng fathailand.org, gagasta ng P7,000 kada araw ang Thailand kada araw para sa renta ng van, na kung susumahin ay aabot sa P112,000 sa 16 na araw dahil nagsimula na ang mga football match nitong Lunes, Nobyembre 25 at ang closing ceremony ng SEA Games ay sa Disyembre 11 pa.

Ayon sa report, may problema umano sa shuttle services ng SEA Games organizer na Phisgoc dahil sa rotating van schedule na hanggang alas-otso lang ng gabi ang serbisyo.

Bukod pa dito, magkakasama sa iisang van ang atleta ng iba’t ibang bansa.

Bukod pa sa P7,000 na bayad sa renta, magbabayad din ng toll at parking fee ang Thailand lalo’t nasa Biñan, Laguna ang mga laro ng women’s football event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?