38

May 4, 2020 @ 15:14
By

Kulang sa puso! Mga foreigner coach ‘di bagay sa Gilas – Chot Reyes

Kung si Chot Reyes ang tatanungin, dapat ay Pinoy ang maging susunod na head coach ng Gilas Pilipinas.

Sa webinar ng Hoop Coaches International, sinabi ni Chot na hindi kailangan ng Philippine national team ang mga banyagang coach dahil wala rin naman umanong napapala ang Gilas Pilipinas dito.

Reyes, who led the Philippines’ return to the Fiba World Cup in 2014 after a breakthrough runner-up finish in the 2013 Fiba Asia Cup, said results in past international competitions will prove that there’s no significant gap between local and foreign coaches.

“We’ve tried it before. I love Tab [Baldwin]. I love Mark Dickel. I was the one who brought Tab here. I’ve had great relationships with Rajko Toroman. And you know how close I am to Tim (Cone) and you know how close I am with coach Norman (Black). I’ve huge, huge respect for foreign coaches. But in the end, where did it take us? Where have we gone with the foreign coaches?” ani Reyes, na naging coach ng Gilas noong makabalik ito sa Fiba World Cup taong 2014.

Aniya, tanging mga Pinoy lang ang nakakaintindi ng ‘puso’, na mantra ng Gilas Pilipinas.

“But I think the Filipino coach is the one who is going to be able to capture the heart of the Filipino. Maski gaano kagaling ‘yung foreign coach, wala siyang pusong Pinoy. At hindi nila maiintindihan ‘yun kasi tayo lang makakaintindi nun. ‘Yung talagang magpapakamatay tayo,” aniya pa.

“Yes, minsan mapapaaway tayo and I know we’ve gone through hell and gotten so much flak for that. But kung talagang Pinoy ka, hindi ka talaga magpapatalo eh. Anong sabi natin sa Tagalog noon, patay kung patay eh. Ganun talaga eh. Kung ayaw niyo, eh di palitan niyo na lang kami. Let me ask you. Meron bang foreign coach na ganun?” saad ni Chot, na umalis bilang coach ng national team matapos masangkot sa ‘basketbrawl’ sa pagitan ng Gilas at Australia noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?