89

By

Kulang sa pansin! Wright, Standhardinger bumanat sa Miami Heat player

Hindi maganda ang tingin ni Phoenix Fuel Masters star Matthew Wright sa ginawang pagpo-post ng ilang Miami Heat player ng kanilang practice routine.

Sa post ni center Meyers Leonard, kinumpirma nito na ginagaya ang maagang pasok ng kanilang star na si Jimmy Butler na mas maaga sa practice ng lampas anim na oras.

Alas-3 ng umaga pa lang ay dumadating na sa training facility sina Butler, Leonard at Bam Adebayo para magpalakas.

Ngunit hindi ito nagustuhan ni Wright, dapat umano ay hindi na pino-post ang mga ‘grind’ sa practice.

“Remember when hoopers used to grind in silence and not post about it?” ayon kay Wright.

Sumegunda naman si San Miguel forward Christian Standhardinger, sinabi na kulang sa pansin ang mga nagpo-post ng kanilang practice routine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?