38

Oct 10, 2017 @ 12:10

Kulang sa maturity – Mbala

Pera na naging bato pa.

Dismayado si La Salle big man Ben Mbala sa talo ng Green Archers sa mahigpit nilang karibal na Ateneo 76-75 noong Linggo sa pagtatapos ng first round elimination ng 80th UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Cameroonian 6-foot-7 Mbala, hindi sila naging mautak sa huling bahagi ng laro na abante sila ng isang puntos, 75-74, 9.1 seconds na lang at sa kanila pa ang bola.

Pinanghihinayangan ni Mbala ang pagkakabalik nila sa laro matapos silang tambakan ng Blue Eagles ng 14 puntos.

“Despite the fact that we were able to get back in the game and get the lead, for the last few seconds of the game, we just didn’t play mature basketball by turning the ball over and fouling them,” wika ni Mbala.

Sinabi rin ni Mbala na hindi sila defensive-minded team kaya marahil ay nakapukol ng pitong three-pointers ang Ateneo sa first half.

“We are not a defensive-minded team we used to be last year. That’s something that we need to change.” ani Mbala.

Ayaw magkomento ni Kib Montalbo sa malaking error nito sa kanyang inbound pass na nagresulta ng pagkatalo.

Natapik ni Ateneo point guard Matt Nieto ang bola, nakumpleto ang steal at na-foul siya para bumiyahe sa free throw line at inilipad ng Blue Eagles ang ‘W’.

Sa Miyerkules pa ang susunod na laro ng La Salle (5-2), may oras pa sila na maka-adjust sa second round.

“It’s only the first round. There is still a lot of time to work on our chemistry especially on defense,” hayag ni Mbala.

Malinis sa pitong laro ang Ateneo. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?