221

Sep 27, 2021 @ 14:55
By

Krizel Mago ng Pharmally ‘safe’ – Hontiveros

Bagama’t hindi makontak ang isang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., nanatili itong ligtas kahit hindi ito nakikipag-usap sa Senate blue ribbon committee, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Naunang sinabi ng komite na hindi nila makontak si Krizle Grace Mago, head ng Regulatory Affairs ng Pharmally matapos niyang aminin na niloko ng kanilang kompanya ang gobyerno.

Sabi ni Hontiveros, bukas naman ang kanyang tanggapan at sa Senate blue ribbon committee kay Mago at umaasa itong dadalo itong muli sa susunod na pagdinig sa Huwebes.

“Hindi pa siya kumo-contact ulit sa amin sa Senate Blue Ribbon Committee pero patuloy yung aming pagreach out sa kanya. Ang alam namin ay in communication pa rin siya sa ibang grupo at indibidwal,” sabi ni Hontiveros sa panayam sa ANC.

“Ligtas pa rin siya hanggang sa puntong ito, pero gusto ko ipaalam sa kanya concerned din ako sa kanyang kaligtasan,” dagdag pa nito.

Sa pagdinig noong BIyernes, inamin ni Mago na siya ang nag-utos sa mga warehouse staff na baguhin ang expiry date ng face masks at face shield na dinala nila sa Department of Health (DOH). (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?