72

Nov 22, 2021 @ 15:24
By

Kritiko ni Drilon inaresto sa kasong libelo

Inaresto ng mga tauhan ng NBI ngayong Lunes ang dating provincial administrator ng Iloilo na si Manuel ‘Boy’ Mejorada, kaugnay ng reklamong libelo na isinampa sa kanya ni Senador Franklin Drilon.

“I want to inform everybody he was arrested by agents of the NBI special operations group at around 9:20 a.m. today, Nov. 22, 2021. He was treated well, according to him. He will be turned over to the NBI detention center this afternoon,” saad ng partner ni Mejorada na si Ruby sa kanyang Facebook page.

“He was arrested on basis of warrant of arrest to serve his sentence for the libel conviction with Drilon as complainant. May parusa na 2 to 4 years for each count sa apat na kaso na inireklamo ni Drilon. Maligaya na ngayon si Drilon,” saad pa nito.

Ang kasong four counts of libel ay inihain ni Drilon laban kay Mejorada kaugnay ng apat na Facebook at blog post nito kung saan idiniin ang senador sa pag-overprice at iba pang anomalya sa iba’t-ibang proyekto sa Iloilo.

Naghain pa si Mejorada ng motion for reconsideration ngunit ‘di kinatigan ng korte.

Batay sa kanyang mga Facebook post, si Mejorada ay kritiko nina Bise Presidente Leni Robredo at mga kaalyado nito, habang solido naman kina Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?