12

By

Kristoffer pagod nang magpakabait

Sharing is caring!

Ilang beses nang nagbida sa sarili niyang teleserye ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin. Pero tumatanggap pa rin ito ng supporting roles tulad na lang sa bagong primetime telefantasya ng GMA-7 na Victor Magtanggol kung saan isa siya sa magiging kontrabida ni Pambansang Bae Alden Richards.

Ayon sa aktor, tinanggap daw niya ang teleserye para suportahan ang kaibigan niyang si Alden. Never pa raw kasi niyang nakasama sa isang teleserye si Alden simula noong maging close sila noong ginagawa nila ang teen series na Tween Hearts.

“Unang sinabi kasi sa akin na kasama si Alden, so sabi ko game!

“Best friend ko ‘yan bakit ako hihindi?

“Tapos ang pinakanagpa-oo sa akin eh ‘yung role, kasi ‘yung role kasi sobrang complex. ‘Yung character ko kasi here is something na bago sa akin, kasi magkokontrabida ako, hindi ako nagkokontrabida eh. Kumbaga choice ko na rin talaga, sinabi ko na rin na gusto ko magkontrabida, maiba lang,” diin ni Kristoffer.

Huling nagbida si Kristoffer ay sa teleserye na Hahamakin Ang Lahat noong 2016. Ngayon ay open na siyang gawin ang mga kontrabida roles.

“Kasi lagi tayong nagmamabait tapos na tayo sa pa-leading man, ikutin natin kasi ‘yun ang gusto ko.

“I’m here for my craft, wala sa akin ‘yung kung ano man ‘yung role na ibigay, so gusto ko ikutin naman itong kontrabida side,” sey pa niya.

Aware naman daw si Kristoffer na kapag sinimulan na niyang magkontrabida, baka hindi na siya muling gawing bida sa mga susunod niyang projects. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?