64

By

Kristoffer Martin, naimbudo sa tanong ng netizens tungkol sa sex

Sharing is caring!

Sinubukang gamitin ng Kapuso hunk na si Kristoffer Martin ang bagong Instagram (IG) Questions Sticker (Ask me a question) sa kanyang IG Stories pero sumuko siya pagkaraang ng twenty questions.

Sa simula, okay pa ang mga tanong ng netizens pero habang nadadagdagan ang mga interesadong gustong magtanong sa aktor ng sisimulang “Victor Magtanggol” ni Alden Richards, sumuko na si Tun (his monicker) at tinapos niya ito ng “Yoko na daming bastos.”

Naimbudo ang award-winning actor sa mga tanong na: “How big? haha #trylang,” “Are you still virgin,” “sex or chocolate,” “Magkano ka?” at “May experience ka na sa gay??”

Sa kanyang official Twitter account, inilabas din ng 23-year old Kapuso star ang kanyang hinaing sa ilang ‘bastos’ na netizens.

Sabi niya, “Sila yung pinakasensitive na grupo pero ang dadami ding ang babastos. Ano nakukuha natin sa mga tanong na, [‘malaki ba?,’ ‘Magkano ka isang gabi?,’ ‘Top or bottom?,’ ‘Daks ka ba?’. Yayaman po ba Pilipinas dito mga ser?”

Kinampihan naman si Kristoffer ng karamihan sa kanyang followers. May ilang miyembro ng isang grupo na humingi pa ng sorry sa aktor.

As of deadline, nagpadala kami ng SMS at message via DM (direct message) sa Twitter kay Kristoffer pero hindi pa niya kami sinasagot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?