By

‘Kristo’ itinumba sa sementeryo

Sharing is caring!

Hindi na napakinabangan ng isang kristo sa sabungan ang kanyang panalo matapos itong patayin sa Pasay City Miyerkules ng hapon.

Base sa inisyal na impormasyon, pinagbabaril ng riding in tandem criminals ang biktimang si Jayvee Berlos.

Nabatid na nanalo sa sabong si Berlos at kalalabas lang nito ng Pasay Cockpit nang pagbabarilin sa tapat ng Sementino Public Cemetery alas-3:15.

Narekober ng mga pulis ang pera ng biktima kayat isinantabi ang posibleng motibo na pagnanakaw.

Tumakas ang mga salarin sakay ng isang tricycle. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?