kristine-hermosa

Kristine Hermosa, magbabalik-telebisyon!

Sharing is caring!

Magandang balita sa mga fan ni Kristine Hermosa dahil makikitang muli sa telebisyon ang aktres.

Dagdag atraksiyon si Hermosa sa kasalukuyang fantaserye na “Bagani” ng ABS-CBN.

Huling lumabas sa Kapamilya network si Hermosa noong 2010 sa TV series na “Noah”.

Nagsimula ng kanyang karera sa showbiz si Hermosa bilang parte ng 4th batch ng Star Magic.

Sumikat ito nang gampanan niya ang karakter na si Ynamorata ‘Yna’ Macaspac sa TV series na “Pangako Sa ‘Yo” kapareha si Jericho Rosales noong 2000.

Noong 2011, nagdesisyon si Hermosa na iwan ang showbiz nang makasal kay Oyo Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?