37
kirsten-stewart

Kristen Stewart, nagtanggal ng heels sa Cannes red carpet

Sharing is caring!

Nagpakuha muna ng larawan suot ang mettalic gown si Kristen Stewart sa red carpet ng 2018 Cannes Film Festival bago nito hinubad ang heels niya saka nagmamadaling naglakad nang nakapaa.

Kilala ang aktres sa pagsusuot ng sneakers habang naka-gown sa red carpet.

At matagal na nitong sinasabi na hindi niya gusto ang shoe code sa festival.

“I feel like if you can’t ask people that anymore—it’s a given. If you’re not asking guys to wear heels and a dress, you cannot ask me either,” sabi ni Stewart nang interbiyuhin siya noong nakaraang taon.

May no-flat shoes rule umano ang Cannes, kung saan hindi pinapapasok ang mga babaeng hindi nagsusuot ng prescribed footwear.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?