27

May 6, 2021 @ 16:20
By

Kristel Fulgar bumirit ng Korean song

Masayang ibinahagi ni Kapamilya star Kristel Fulgar na ganap na niyang naabot ang pangarap na makapag-record ng Korean song.

Sa kanyang YouTube vlog na kanyang pinost nitong Miyerkules, ibinahagi ng 26-anyos na aktres ang pakikipag-collaborate niya sa kaibigang Koreano na si Yoham Kim.

Ang awit na nirecord ng dalawa ay pinamagatang “Smile Again.”

Walang mapagsidlan ng saya si Fulgar sa kanyang achievement.

“Sobrang excited ako and itong song na ito prinoduce ng Korean artist din sa Korea. Siyempre for me it’s a pleasure to work with very talented Korean people and finally magkakaroon na ako ng original song ko na Korean at saka may ka-duet ako na napakagaling na singer,” saad ng singer.

“Dati kino-cover ko lang ‘yung mga Korean OST, ngayon nagkaroon ako ng original na OST ng isang web drama so I’m so happy. Parang for me it’s like a dream come true. Kapag nanonood ako ng mga Korean drama, doon ako kinikilig,” dagdag pa niya.

Ang “Smile Again” ay gagamitin sa isang Filipino-Korean web series na pinamagatang “Love from Home.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?