22
bigas
By

Krisis sa bigas iilan lang ang nakararanas, ‘di seryosong problema – Finance Sec. Dominguez

Sharing is caring!

Naniniwala ang Kalihim ng Pananalapi na si Carlos Dominguez III na hindi umano krisis ang nararanasan Pilipinas sa paglobo ng inflation rate sa 6.4 porsiyento nitong taong 2018.

Ihinambing pa nito ang inflation na sinabing mababa pa raw ito sa mga nakaraang administrasyon, pangalawa simula ng termino ni dating Presidente Cory Aquino.

“You have to really take a long view. When you take a long view you will realize that we are the second lowest inflation of the administration since (dating Pangulo) Cory,” sambit ng kalihim.

Ayon pa sa isa sa pinakamayamang parte ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte, tila tinutulad nito na ‘isolated case’ lang ang nararanasang krisis na kaunti lamang sa populasyon ng ‘Pinas ang nakakadama ng krisis naman sa bigas.

“It may be a serious problem for some people but for the nation, in general, it’s not a major crisis,” saad niya.

Binase niya ito sa stock umano ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa kanilang mga warehouse na aabot sa 4.6 milyong sako ng bigas ang maaring ipagbili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?