558

Krisis sa bigas dahil sa na-rehab: Balik na lang kayo sa shabu! – Duterte

Sharing is caring!

Krisis sa bigas dahil sa na-rehab: Balik na lang kayo sa shabu! – Duterte

Iniugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naranasang krisis sa bigas sa mga adik na tila ginanahan nang kumain dahil sa pagkaka-rehab.

Sa kanyang naging talumpati sa Puerto Princesa City, Palawan noong Sabado, sinabi ni Duterte na ang shabu ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap.

“You know, shabu is a commodity for the poor. It’s just 200 per hit. And if you do it, how much in one week? Seven. Times it by the figure of Bato (dating Bureau of Corrections Director General Ronald Dela Rosa). One million six officially,” pakli ng Pangulo.

At simula umano nang maging matino na ang lulong sa iligal na droga, pumasok na rin ang pagnanais ng mga ito na manatiling busog.

“Iyon lumabas. Mga payat. Ganon ‘yan sila. The classic ano ng adik, malaman mo. Ngipin. They keep on grinding their teeth. Ginaganun nila. At hindi kumakain. Iyong hindi sila kumakain, ‘di na-rehab, wala man tayong rice crisis,” dagdag niya.

Pabiro namang sinabi ni Duterte na sa oras na muling magka-crisis sa bigas, dapat ay bumalik na lang sa pagsha-shabu ang mga dating adik.

“…`yun nag-graduate sa rehab, lumalakas, gumana na. O itong milyon nagdagdag na bunganga na kumain, may gana na ‘yan eh. Na-rehab na. Nagkaroon na tayo ngayon ng kulang sa bigas. Na-problema tayo. Balik na lang kayo sa shabu. `Pag magka-crisis dito, shabu na lang ibigay ko,” anang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?