367

Oct 30, 2017 @ 15:17

Krisis sa basura sa Metro Manila, ibinabala

Bukod sa traffic, napipinto na rin daw ang krisis sa basura sa Metro Manila.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, sa susunod na limang taon ay tiyak na babaho ang Kamaynilaan kung hindi aamyendahan ng Kongreso ang umiiral na environmental laws.

Giit ni Sarmiento, kailangan nang magpatupad ng mandatory waste segregation sa lahat ng bahay at mga establisyimento at payagan ang paggamit ng makabagong incineration plants.

Sabi pa ng kongresista, bagama’t pinagdedebatehan pa ang posibleng pagsasara ng Quezon City Sanitary Landfill o Payatas dumpsite, inaasahang aabot na rin ito sa capacity limit pagsapit ng Disyembre.

Ito’y sa kabila ng pagtaya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na maaari pang magamit ang dumpsite hanggang 2021.

Ang iba pang sanitary landfills sa Metro Manila na malapit nang umabot sa critical capacity ay ang Navotas Sanitary Landfill at Rizal Provincial Sanitary Landfills.

Kung tuluyan aniyang magsara ang Payatas dumpsite, nasa 2,700 metriko toneladang basura ang kailangang itapon sa ibang lugar araw-araw.

“That’s the amount of solid waste that goes to Payatas alone but Metro Manila actually generates at least 8,400 to 8,600 metric tons of garbage every day,” pahayag ni Sarmiento.

“In the end, it’s a choice between excavating our mountains and turn them into sanitary landfills or embrace new technologies on waste management including the use of waste-to-energy incineration plants,” dagdag pa ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?