1,391

By

Kris tanggap na ‘di aabot hanggang 70-anyos

Batid na ni Kris Aquino na hindi sigurado ang bawat bukas sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram post ay naging sentimental ang ‘Queen of All Media’ matapos ibahagi ang filtered version ng kanyang mukha na pinatanda.

Aniya, kahit ‘di na siya umabot sa 70 years old ay nakita pa rin niya at ng madla ang kanyang magiging itsura pagtanda.

“please swipe to see me at 70… kung hindi umabot at least may idea na ko,” lahad ni Kris.

Inamin din ng showbiz personality na mahirap sa kanya ang buwan ng Agosto dahil ito ang parehong buwan kung saan namatay ang kanyang mga magulang na sina dating Pangulo Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.

“kaya tanggap na tanggap ko that tomorrow is never promised, we must only have FAITH & continue hoping in the goodness of GOD,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?