31

Jan 22, 2021 @ 16:06
By

Kris sobrang anxious kay Alex

Nilantad ni Kris Bernal na si Alex Gonzaga ang dahilan kaya siya natulak na maging vlogger.

Sa Instagram, pinakita rin niya sa mga fan ang larawan nilang dalawa nang magkita sila noong Disyembre 2020.

“Here’s a little trivia about me: Did you know? Ever since I started binge-watching @cathygonzaga vlogs, I became motivated to start my own YT channel,” sey ng Kapuso actress.

“Luckily, I had a chance to meet her in person last December.”

“Well obviously, in this picture, ang tigas ng katawan at ng mukha ko! Lol! I couldn’t even look straight at her. I was so anxious for a whole day because I really want to take a picture with her,” kuwento pa ni Bernal.

Dapat aniya ay iba-vlog niya ang kanilang pagtatagpo ni Alex, pero “my nervousness got in the way.”

Tapos, sa caption din ng kanyang IG post ay binati ni Kris si Alex na kinasal na pala sa long-time boyfriend nitong si Mikee Morada.

“God’s perfect timing is really the best!! Congrats Mrs. Morada! Hope you’ll continue to vlog and spread good vibes to other people even if you’ll start a new journey!” sabi pa ni Kris.

Tumugon naman si Alex sa comments section at binati naman ang pagiging engaged ni Bernal sa partner nitong si Perry Choi.

“Next time we see each other mas mahaba na sana chikahan natin!!” dagdag pa ni Gonzaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?