1,831
Kris sinusuka na ng mga sponsor – Nicko Falcis
By

Kris sinusuka na ng mga sponsor – Nicko Falcis

Matapang na Nicko Falcis ang humarap sa social media matapos ang ilang araw na pananahimik ukol sa kanilang banatan ng dating amo na si Kris Aquino.

Sa Instagram post ni Falcis nitong Linggo, February 17, siya’y na-badtrip sa isang report mula sa ANCX na may titulong: Kris finds complaint against her “Laughable,” Falcis brother says, “Face your case.”

Sa nasabing report, inilahad ni Atty. Mikko Axalan, isa sa mga abogado ng DivinaLaw na nagrerepresenta kay Kris, na nabasa na ng kanyang kliyente ang grave threat na inereklamo ni Falcis at sinabing ‘laughable’ aniya ang complaint.

Dahilan ito para manggalaiti si Nicko dahil below the belt ang naging pahayag ng ‘Queen of All Media’ dahil maging ang kanyang pamilya ay idinamay sa death threat.

“When you said the words, “Ipapapatay ka ng pamilya ko. Dare to set foot in this country and you will be dead” or threatened even my closest family members, my peers and best friends “I’ll throw you under the bus” and “You will be collateral damage”, I saw the MOST manipulative, vile and bitter woman ever,” say ni Falcis.

“Yes you were hurt, but that doesn’t give you the right to criminally harass and threaten our lives, which YOU admitted!” dagdag pa niya.

Hindi rin niya umano mapapatawad si Kris dahil sa pagtatangka nito sa buhay ng kanyang pamilya lalo na ang stress na idinulot sa kanyang ina.

Sinabi pa ni Falcis na inaayawan na umano ng ilang katao si Kris, maging ang mga brands ay gusto nang humiwalay sa media personality.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?