3,575

By

Kris sinagot ang tanong ng fan kung ‘daks’ ba si James Yap

Sharing is caring!

Instead na Instagram live, hinayaan ni Kris Aquino na magtanong ang mga follower at fan niya sa kanya sa pamamagitan ng komento sa kanyang IG wall.

“I’m ready. THANK YOU for spending part of your 1st of July w/ me. #lovelovelove #gratitude #camaraderie,” sey ni Kris sa post niya na ‘Let’s have an IG Q&A? I’ll entertain your question & answer as honestly as I possibly can from 4-5 PM. Please like this post & let’s start tal­king’.

Pero, ang pinaka-bongga sa lahat ng tanong, na nagpakabog sa lahat ng tanong ay ang…

@a.bnll ‘Miss Kris daks ba si James? Hahahaha! Jokeee love you Krissy and Josh and Bimby.’

At siyempre, sinagot pa rin ito ni Kris, na tulad nga nang naipangako niya.

“Maybe that question is best directed to his current partner? #proper.”

Kaloka, ‘di ba? Ganiyan ka-powerful ang mga netizen ngayon, na kahit ang pinakaliit-liitan o pinaka-pribado na detalye sa buhay ng isang tao ay nagagawa nilang pakialaman.

Well, sabi nga niya, joke lang naman ‘yon…

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?