184

Feb 27, 2020 @ 22:12
By

Kris sa basher: Hindi kami pamilya ng magnanakaw

Pang-Miss Universe ang resbak ni Kris Aquino sa isang basher matapos siyang akusahan na pamilya ng mga magnanakaw.

Sa kanyang Instagram post nitong Feb. 27, binahagi ni Kris ang screenshot ng naging akusasyon ng netizen na si @sickie9 pati na ang naging sagot niya rito.

“Talaga naman ginagamit ang pera ng Pilipinas para lang mas maunlad ang buhay. Family of thieves,” sabi ni @sickie9.

Hindi nakipagtalo si Kris dahil aminado siyang pera naman daw ng mga Pilipino na bumili ng mga ineendorso niya at nanonood ng mga pelikula niya ang nagpaunlad sa buhay nila.

“I cannot argue with your logic – pera ng PINOY na bumili ng mga inendorse ko at nanuod ng mga pelikulang na produce ko at pinagbidahan ko ang nagpaunlad sa buhay namin. See hard work pays off and God rewards those on His flock who are 1. Cheerfull givers, and 2. Know how to say thank you,” sabi ni Kris.

Dagdag pa niya, obvious na hindi sila pamilya ng magnanakaw dahil pag galing daw sa nakaw, hindi pino-post sa IG lalo na sa isang account na may more than 4.6 million followers.

Ayaw niya ring isa-isahin ang mga natulungan na niya dahil aakusahan namang epal siya kaya mas importante na ang mga beneficiary na lang at ang Diyos ang nakakaalam ng nabiyayaan niya ng blessings.

“So yes ginamit ko naman talaga ang pera ng mga PILIPINO – mga Pinoy who helped make my childhood dreams come true… kung mag-enumerate naman ako ng lahat ng natulungan ko through the years, EPAL naman ako ang next na paratang — so it is more than enough the beneficiaries know and my Creator knows that i shared the blessings i received to help better the lives of others. Good night,” sagot pa ni Kris.

View this post on Instagram

obvious naman na hindi kami pamilya ng magnanakaw (generally pag galing sa nakaw, hindi pino-post on IG, especially an account w/ more than 4.6 million followers, but do take note i wrote, GENERALLY – plus i do have years & years of BIR receipts to back me up #facts) BUT i decided to give this #anonymous account some attention because— gusto ko… 🤷🏻‍♀️ and aminin, WINNER ang sagot. 💋🥳 so yes- ginamit ko naman talaga ang pera ng mga PILIPINO- mga Pinoy who helped make my childhood dreams come true… kung mag enumerate naman ako ng lahat ng natulungan ko through the years, EPAL naman ako ang next na paratang— so it is more than enough the beneficiaries know and my Creator knows that i shared the blessings i received to help better the lives of others. Good night. #lovelovelove 😘😍🥰🌈

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?