64
i-love-you-hater
Jun 19, 2018 @ 16:50
By

Kris pinaliguan ng papuri sina Joshua, Julia

Puring-puri ni Kris Aquino ang dalawang young stars na kasama niya sa pagbabalik pelikula niya sa Star Cinema, ang I Love You, Hater na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sabi nga ni Kris, “Sana ganun ako ka-masunurin noong kasing-edad nila ko. Kasi, they know what craft is all about. They respect the work.”

As per Julia, sey ni Kris, “She’s just so raw and so real. And I just have to say this, I say this without meaning to offend anybody but my son identifies so much to her.

“So ‘pag may ganun ka, you already have a gift. That would mean na napakagaling mong artista.”

At si Joshua naman daw, sure siya na magtatagal ito sa industriya at kikilalaning magaling na actor.

“Si Josh, sasabihin ko talaga, I got into this movie without really knowing him. But the more I got to know him, naintindihan ko na kung bakit in-love si Julia.”

Sabi pa ni Kris, “Hindi siya ever nakalimot ng lines or kung meron man siyang na-miss, siya mismo ang magsasabi na Direk, sandali, sorry. Ganun siya ka-focused.

“He is amazing. Alam natin he needs the work, but more than that, the work needs him. Kasi talagang, he’s the real deal.”

Napaka-generous ni Kris sa pagbibigay ng papuri sa dalawa at sa rami nga raw niyang nakasama na, naniniwala raw siya na si Joshua will be in the business, fifteen, twenty years from now.

“He will become one of the greatest actors the Philippines ever have but Julia has hunger and that’s very important. Iba yung gutom ka to prove yourself.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?