111

By

Kris pinalakpakan sa iyakan with Ronaldo, Joshua

Sharing is caring!

Puring-puri ng mga fan, moviegoer, ang akting ni Kris Aquino sa eksena na kasama niya sina Ronaldo Valdez at Joshua Garcia sa pelikulang I Love You Hater.

Sa eksena kasi, nag-uusap sina Joshua at Kris, at nakikiusap si Joshua na kung maaari ay ibalik na sa trabaho si Julia Barretto, at kasama na rin ang pagsasauli ng advance na suweldo nito.

Biglang sumingit si Ronaldo, na tatay ni Kris sa pelikula. Si Ro­naldo na may sakit na Alzheimer, at hindi na nakikilala si Kris.

Sa tsikahan nina Ronaldo at Joshua habang nasa harap si Kris, hindi nakikilala ni Ronaldo si Kris. Pero, siya ang topic nina Joshua at Ronaldo, na sinabi nga ni Ronaldo, na masyadong masipag sa trabaho, na mahal na mahal niya ito.

Super tulo ang luha ni Kris sa eksenang ‘yon, na ang ending ay niyakap niya si Ronaldo. At dahil sa eksenang ‘yon, nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng sinehan.

“Sumakit ang ulo ko after that scene. Nag-low blood ako after that scene,” pag-amin ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?