158

Jun 24, 2018 @ 20:58
By

Kris paulit-ulit na sinaksak ni Herbert

Balitang nag-emote na naman si Kris Aquino (read: cry me a river ang drama) matapos na muling pagsabihan ng kanyang mga kapatid na babae na pag-aralan na mas ma­ging ‘discreet’ sa kanyang personal life.

Ayon sa aming ka-Chismacker, nauna nang ‘natigalgal’ (read again: natulala) si Kris nung makita nito ang mga photo ni Karla Estrada ng mga vacay photos ng mga anak ni Mayor HB at nanay ng mga ito, with Mayor HB himself.

Then, agad itong sinundan ng ‘video’ naman ng supposedly reunion ni Mayor HB sa una niyang anak na gagradweyt with honors, kasama ang nanay nito at again, si Mayor HB.
“Parang mga palaso na tumama sa dibdib ni Kris,” paglalarawan ng ­aming source ang umano’y reaksyon ni Kris sa mga post.
Dapat nga daw ay may kukunan pa itong eksena sa last few shooting days ng I Love You Hater, pero minabuti umano ng produksyon na pahupain muna ang pag-e-emote nito. Masaya raw kasi dapat ang mga kukunang eksena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?