117

Jun 18, 2020 @ 8:30

Kris, Pacquiao magsasama sa talk show

Kung si Kris Aquino ay wala pang idinetalye tungkol sa naging Twitter, Instagram post niya noong isang araw, sa IG naman ng manager/ writer na si Lolit Solis ay may isinulat ito.

Kung tamang hinala nga si ‘Nay Lolit, totoo ang hinala ng netizens na pahiwatig ng comeback ang post ni Kris at diumano ay sa pamamagitan ng isang talk show.

At ang makakasama raw ni Kris sa talk show ay walang iba kung hindi ang boxing champ na si Manny Pacquiao.

Sa post ni ‘Nay Lolit na na-revived ang closeness kay Kris, “Parang may hinala ako Salve kung ano ang malaking pasabog ni Kris Aquino. Kung tama ang bulong sa akin mukhang may binabalak na talk show sina Champ Manny Pacquiao at Kris Aquino.

“At mukhang may katotohanan na marami ang kumukumbinsi kay Champ Manny na tumakbo sa mataas na posisyon. At kung sakali man totoo, why not? Nasa puso ni Manny Pacquiao ang mahirap, malapit siya sa masa, higher position, ok lang, open field naman ang pulitika. Plus, itong iniisip nilang tambalan ni Kris Aquino sa pulitika, very interesting ha. Wait tayo kung tama ang bulong sa akin.”

***

Dahil sa lockdown: Aicelle Santos nabuntis agad

Sunod-sunod na nga ang “quarantine babies.” Meaning, mga nabuo sa panahon ng quarantine o lockdown.

Ang pinaka-latest na nag-announce ay ang may kalahating taon pa lang na kasal na sina Aicelle Santos at Mark Sembrano.

Huling kausap namin kay Aicelle ay ilang araw bago mag-lockdown, at tila wala pa sa plano nilang mag-asawa na mag-baby agad but instead, i-enjoy muna yung silang dalawa na bagong kasal.

Pero sabi nga, nagagawa nga naman ng quarantine. Parehong Christian sina Aicelle at Mark kaya sure naman na masaya ang mga ito sa kukumpleto na sa kanilang pamilya.

Base sa picture na pinost ni Aicelle, mukhang tapos na ito sa first trimester at malaki-laki na rin ang tiyan.

***

‘Bulaklak’ ni Marian iniyakan ni Eugene

Naluha si Eugene Domingo dahil sa mga bulalak na gawa mismo ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Bet na bet pala ni Uge ang mga pino-post ni Marian na flowers niya, lalo na ‘yung new collection ng Flora Vida by Marian na dried blooms. Pero kinontrol daw nitong mag-order nang mag-order at pinairal ang katipiran niya.

Pero, naluha raw siya nang makatanggap ng free surprise from Marian which is, yung bet niya talagang bilhin sana.

Sey ni Uge, “Allow me to share. I was excited to order @floravidabymarian’s new collection dried blooms but knowing me– I tried to control myself and me “matipid” for it is just for myself, my own joy. After placing my order, the nice girl said to me, Ms. Marian is prepping your order and she is sending you a gift as well, the Gypsophilla and another bundle of pepper berry…OMG. Marian sent me the one I actually wanted to buy as well– the Gypsophilla but I was budgeting myself. @marianrivera You are the most gracious and the sweetest my dear!”

Nagpasalamat naman si Marian sa appreciation post na yun ni Uge at nag-reply pa rin ang actress/comedianne sa pagsasabing, “as in naluha ako. Ang bango nila!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?