20

Aug 13, 2020 @ 15:09
By

Kris nireto noon si Lim kay Cory

Sinubukan pala noon ni Kris Aquino na ireto ang kanyang inang si ex-President Corazon Aquino kay dating Manila Mayor Alfredo Lim pero hindi kinagat ng huli.

Ibinunyag ito ni Special Envoy to China Ramon Tulfo sa August 13 column niya sa Manila Times.

Kuwento ni Tulfo, naging paborito raw noon ni Cory si Lim matapos siyang tulungang makuha ang ABS-CBN mula sa kamay ng mga nagrebeldeng sundalo sa bantang kudeta laban sa Aquino administration noong 1987.

Si Lim noon ang pinuno ng National Bureau of Investigation.

“Many people, including Cory’s daughter Kris Aquino, were trying to pair off Lim, a widower, with the widowed Aquino,” wika ni Tulfo.

Pero hindi raw nagtangka si Lim na ligawan si Cory dahil boss niya ito.

“It’s unthinkable for a subordinate to have intimate relations with a superior,” ani Tulfo, na dahilan ni Lim noon kaya hindi niligawan si Cory.

Agosto 8 pumanaw ang binansagang “Dirty Harry” sa edad na 90 dahil sa komplikasyon sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?