Kris
By

Kris, nawabasan ang ego ngayong 2018

Sharing is caring!

“Confidence” ang tema ng post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram na ayon sa caption message niya ay mas nagkaroon raw siya ng mas mababa pang ‘ego’ dahil sa takbo ng buhay niya sa kasalukuyan.

@krisaquino, “Still CONFIDENT, but the 2018 difference is i now have lot less EGO because life taught me to replace it with GRATITUDE,” KCA (photo from @markedchest).

Nakaposte sa IG wall ni Kris ang larawan niya na nakasuot siya ng long-dress na may mababang neckline at nakapatong ang isang black suit.

Dahil nakahawak si Kris sa magkabilang sides ng harapan ng suit, naipit ang kanyang boobs.

Lumabas ang cleavage ni Kris at nagmukha itong malaki sa larawang ito.

Bukod sa maganda ang aura at itsura ni Kris sa kanyang make-over, marami ang humanga sa ganda niya.

Totoo namang maganda ang daloy ng 2017 kay Kris dahil hindi naman siya nabakante at tuluy-tuloy pa rin ang magandang daloy ng kanyang mga businesses.

Hindi rin naman nawala sa paningin ng madla si Kris kahit hindi na siya visible sa TV dahil active naman siya sa social media at sa kanyang Youtube channel.

At ang pagpasok ng 2018 sa kanya ay pasabog lalo’t may ginawa siyang commercial with Judy Ann Santos at iba pang naka-line up na projects na hindi muna niya sinabi sa una niyang postings.

Pero maliban doon ang kaseksihan yata ni Kris at ang paglabas ng kanyang cleavage ang isa sa mga tinutukoy niyang “Still Confident”.

Sa dinami-dami ng pwedeng i-post ni Kris na mga photos niya na kuha sa parehong outfit, ito ang napili nito.

Siyempre, seksi ang paglabas ng boobs ni Kris at sa edad niya dibdib pa lang seksing-seksi na ang tinaguriang Queen of All Media.

Well, marami naman ang natutuwa sa post na ito ni Kris at nagsasabing ipagpatuloy niya ang pagpapakumbaba para magpatuloy pa ang pasok ng magandang grasya sa kanya ngayong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?