49

Aug 21, 2020 @ 19:55

Kris natupad mga pangako kay Ninoy

RP

Sinariwa ni Kris Aquino ang kanilang mga bonding moment ng kanyang ama na si dating senado Ninoy Aquino sa death anniversary nito.

Sa Instagram post ni Kris, binahagi niya ang isang larawan kung saan kasama niya ang parehong mga magulan sa kanilang winter trip sa Boston, Massachusetts.

Saad ni Kris, naging matatag ang kanyang ama para makuha ang kanyang pagmamahal, dahil aniya’y nawalay siya kay Ninoy noong siya’y isang taon at pitong buwan pa lamang dahil sa pagkakakulong ng dating mambabatas,

“He worked hard to win my love—I was the bunso that got the most & the best of him (maybe he had an inkling that we only had 3 years of borrowed time),” lahad ni Kris.

Inalala din ni Kris na laging nagtutungo si Ninoy sa kanyang mga school program, at mayroon din silang oras na lumalabas na silang dalawa lang.

Kinuwento din ng ‘Queen of All Media’ ang ginawa ng kanyang ama matapos siyang mapili para interview-hin habang nakapila sa showing ng Star Wars film na ‘Return of the Jedi’.

Sey ni Kris, halos lahat ng napag-usapan nila ni Ninoy ay kanya nang nakamtan, isa na lang daw ang kanyang utang sa ama.

“Thanks to my Dad for allowing me to believe that my dreams could & would come true, because looking back, ALMOST everything we ever discussed—they did come true,” lahad ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?