136

Jun 25, 2021 @ 10:39
By

Kris: Napatawad ako ni Kuya Noy

Binahagi ni Kris Aquino na nagkaayos ng kanyang kuya na si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bago ito pumanaw.

Pigil ang luha ni Kris habang inaalala si PNoy, na matatandaang noong 2018 ay sinabi ng ‘Queen of All Media’ na may hindi sila pagkakaintindihan ng kanyang kapatid.

“The only thing I can say and this is the only thing I will say.  God blessed me because we made our peace, May 8.  But that is private,” ayon kay Kris.

“And I would like to keep that for myself, but I am so grateful na binigay ‘yon sa akin.  At nagpapasalamat ako na mapatawad ako at minahal ako.  And to the end, ang tinuring niya sa akin ay ako ay  kanyang bunso,” sambit ng TV host/actress.

Hindi isinapubliko ni Kris ang dahilan ng pag-aaway nila ng kanyang kuya, ngunit sinabi ng aktres na siya ang may kasalanan sa gusot sa relasyon nilang magkapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?