269

By

Kris kinapalan ang mukha, nakipagbati kay Noy para kay Josh

Ginulat na naman ni Kris Aquino ang madla at kanyang followers matapos nitong sabihin na nagkabati na sila ng kanyang kuya na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makalipas ang tatlong buwan.

Sa bago nitong posts sa Instagram, makikita ang larawan kung saan dinalaw ni Noynoy si Joshua na naka-confine sa ospital.

Sa kabila kasi na laging nasa tabi si Kris ng kanyang panganay, hinahanap pa rin ni Josh ang Tito Noy nito kaya naglakas-loob si Kris na hilingin ito sa kanyang Kuya Noy.

Isiniwalat ni Kris sa caption ng larawan kung saan kausap na ni Noynoy si Josh sa ospital, na tatlong buwan silang hindi naging okay ng dating pangulo.

“Alam nyo na kung ano ako. Dahil #satruelang, 3 months po kaming hindi okay. Kasalanan ko po yun… Naipit yung 2 boys ko – alam nilang di okay kaya pinili na wag dumalaw at wag iwan si mama… Ang pinaka nag suffer si kuya josh. Sa bawat pag ospital- si tito Noy was always there,” sabi ni Kris.

“Kinapalan ko po ang mukha ko today – nag text ako. Umamin na alam kong na hurt ko sya pero nakiusap – KAILANGAN sya ni kuya josh. My son needed him- the ONLY constant male figure in his life,” dagdag pa ni Kris.

Sabi pa ng Queen of All Media, kahit pa high-profile family sila ay katulad din sila ng ordinaryong pamilya na isinasaisantabi ang ‘di pagkakaunawaan kapag kailangan nila ang isa’t isa.

Pinasalamat din nito ang kanyang kuya dahil sa pagmamahal nito kay Joshua.

“THANK YOU for LOVING JOSH ENOUGH to be here when he really needed you. This is for all of you to get to know the real man, the true NOY AQUINO who is so deserving of RESPECT & ADMIRATION, galing po sa hindi perpekto pero totoong bunsong kapatid, na si kris aquino. ?? (thank you Mom, from heaven i know you made this possible.)” pagtatapos ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?