92

By

Kris nagwala nang tawaging ‘kabit’ ni Direk Paul si Erich

Sharing is caring!

HINDI pinalampas ni Kris Aquino ang netizen na tumawag ng kabit kay Erich Gonzales sa Instagram wall niya.

Nag-post kasi si Kris ng suporta niya kay Erich at sa movie nitong Siargao, na kung saan ay direktor si Paul Soriano, na inaanak niya sa kasal, kay Toni Gonzaga.

Tinawag na ‘kabit’ ni Direk Paul si Erich, at sinagot nga ni Kris ang bintang na ‘yon sa ‘anak-anakan’ niya.

Sinabi niya na solid at happy ang relasyon nina Direk Paul at Toni, at madalas nga niya itong ka-text. Sinabi rin niya na may pagkaguwapo-guwapong manliligaw si Erich ngayon, kaya sobra na ang paratang na ‘yon na kabit ito.

“In case you were wondering what got me to react & post the previous lengthy reaction, this was where my ‘intelligence’ was questioned… SORRY but @erichgg ranks up there w/ Kuya Josh & Bimb when it comes to unleashing the Tiger Mom in me…” sabi ni Kris sa latest post niya.

Anyway kahapon ay nagpa-block screening nga si Kris para sa movie na Siargao. Ganu’n kamahal ni Kris si Erich. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?