746

By

Kris nagsampa ng kasong pagnanakaw: Sinimulan niyo, tatapusin ko!

Sharing is caring!

Kinasuhan ng qualified theft ni actress/TV host Kris Aquino ang mga nanloko umano sa kanya sa pitong magkakaibang lungsod.

Nirerepresenta ng kanyang abogado na si Atty. Sigrid Fortun, naghain ng kaso sa Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, at Manila ang ‘Queen of All Media’ para sa ‘di pa pinapangalanang taong nanggoyo sa kanya.

Sinabi rin ni Aquino na sinubukan nilang makipag-settle sa kampo ng umano’y nanloko sa kanya, ngunit hindi naging maganda ang kanilang pag-uusap.

“I continue to have faith that the Philippines’ justice system will uphold the law with impartiality & fairness. My legal teams had met with his representatives in an attempt to settle amicably, but in straight forward language — cumare bears sila,” saad sa caption ni Kris sa kanyang Instagram posr.

“My family had advocated for peace but the other party failed to even meet us halfway and instead chose to spread malicious lies and falsehoods.”

Matatandaan na dahil umano sa nangyaring pambubudol sa kanya ay nagkaroon siya ng malubhang autoimmune disease, at nabawasan din ang timbang ng 15 pounds.

“I wanted to peacefully put this behind me — kilala niyo ‘ko, hindi po ako ang nagsisimula ng away — pero hindi po ako pinalaki para urungan ang pakikipaglaban para sa katotohanan. ‘Sinimulan niyo, kaya tatapusin ko,’” madiing panapos ng TV host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?