319

Dec 16, 2017 @ 13:58
By

Kris, nagparamdam sa ABS-CBN

Hanggang ngayon nananatili pa ring may connect si Kris Aquino at ang ABS-CBN 2 executives sa isa’t isa, kahit na nga niligwak o dinedma na ng istasyon ang pagre-renew ng kontrata nila sa tinaguriang Queen of All Media.

Ang pruweba ay ang posting ni Kris sa kanyang Instagram account na nagpasalamat siya sa dalawang Kapamilya big bosses na nakaalala sa kanya.

Pinoste ni Kris ang throwback photo niya hawak ang mikropono, naka-black gown sa stage at hawak-hawak niya ang anak na si Bimby o si James Yap Jr.

Ang naturang larawan ay galing sa designer na si JC Buendia na ipinadala sa kanya, at sa kanyang pagre-reminisce sa buhay niya, binanggit niya ang ABS-CBN 2 at nagpasalamat kina Gabby Lopez at Karlo Katigbak.

@krisaquino, “Thank you @jcbuendia, for sending me this pics from your Facebook memories. 1st time for me to post for #flashbackfriday. I’m all in black & this was from ABS CBN Christmas special (I think) or trade lunch for Kung Tayo’y Magkakalayo. I’m almost 100% sure it was 2009, we were in black we were still mourning my mom’s death..my bunso was really a cutie patootie. And now, nagbibinata na. It just made me realize ABS CBN really played in my life. And na-touch ako today sa pinadalang Christmas gift ni Boss Gabby Lopez & sir Carlo Katigbak.

“Ang taong ‘di marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. I am grateful for where I’ve been & all I learned, I am so excited for where this journed will continue to take me. #POSITIVITY #GRATITUDE (JC confirmed December 15, 2009- Bimb was just 2!).”

Ibig sabihin sa posting na ito, hindi tuluyang naputol ang tulay na nag-uugnay kay Kris at sa Kapamilya network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?