16

By

Kris nagpa-sexy ala-Brooke Shields sa Iceland

Sharing is caring!

Feeling Brooke Shields o Indiana Rose Evans si Kris Bernal sa mga photo na ipino-post niya ngayon sa Instagram na kuha sa Blue Lagoon, Iceland. Nagpaulan nga ng sexy photos si Kris sa social media accounts niya na pinagkaguluhan talaga ng mga fan niya.

“The last part of the trip and the perfect way to end it,” sabi ni Kris na may pa-hashtag na #BlueLagoon #IcelceKB.

“Relaxing in the warm water but trembling in the cold weather,” sey pa ni Kris.

“Of course, I wouldn’t miss this famous geothermal spa in Iceland. Worth the awful snow storm we passed through,” caption pa rin ni Kris.

Sa totoo lang, kahit sinasabing mukhang pangbata ang kaseksihan ni Kris dahil payat nga siya at medyo maliit na babae, pero sa pictorial, sa husay niyang mag-emote at i-emphasize ang mga bahagi ng katawan niya na nagugustuhan ng mga fan niya, nagiging katakam-takam din talaga siya sa mga tagahanga niyang lalake.

Yes, ang sarap-sarap din talaga ni Kris sa panlasa ng mga barako na ang hilig ay skinny girls.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?