1,323

By

Kris nag-imbento ng sakit para makatakas sa trabaho – Jesus Falcis

Hindi paawat sa pasaring ang abogadong kapatid ni Nicko Falcis na si Jesus matapos maglabas ng screenshot ng convo na paniniwalang mula kay Kris Aquino.

Sa Instagram post ni Jesus, kita ang pagpapalusot umano ni Kris para makaalis ng bansa at makatakas sa kanyang trabaho sa endorsement.

“Parang estudyante lang! Nag i-imbento ng sakit para ma-excuse sa classes. Yun nga lang sya gusto ma-excuse sa work!” ayon kay Falcis.

“Napaka #artecaria kapag nde nya feel biglang tataas ang BP nya to 150 over arte,” dagdag pa niya.

Sa nasabing screenshot makikita na tila nag-imbento ng sakit na adult onset asthma ang multimedia star imbes na tumaas na blood pressure dahil makakaapekto umano ito sa endorsement deal.

“Imbes na umamin ka na lang sa mga endorsements mo, ginamit mo pang palusot ang Kuya ko na na-stress ka dahil may “financial abuse” na gawa-gawa mo lang din naman,” ayon pa sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?