51

By

Kris nag-deactivate ng mga social media account

Nag-deactivate ng mga account niya sa social media si Kris Aquino.

Kabilang dito ang kaniyang Twitter at Facebook.

Noong nakaraang linggo nang sabihin ni Kris na magpapahinga muna siya sa social media upang “magpagaling” sa kaniyang iba’t ibang sakit.

Hindi ito ang unang beses na sinabi ni Kris na hinto muna siya sa social media.

Noong April 9, nagsabi na rin si Kris sa kanyang 4.1 million followers sa Instagram na magpapahinga muna siya sa social media pero makalipas ang anim na araw ay muli siyang nag-post sa IG para depensahan ang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino laban kay Caloocan Representative Edgar Erice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?