190
Kris na-badtrip sa 'bastos' na PAL staff
By

Kris na-badtrip sa ‘bastos’ na PAL staff

Nireklamo ni Kris Aquino ang isang diumano’y ground staff ng Philippine Airlines (PAL) matapos nitong lagyan ng “derogatory comment” ang isang Instagram (IG) post ng aktres.

Ang tinutukoy na post ay isang video ni Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby, at ang host na si Willie Revillame. Makikitang tuwang-tuwa ang panganay ni Kris kay Kuya Will.

Ayon kay Kris, tinawag siyang “whore” ng lalaking basher sa comments. Pumalag dito si Krissy.

“Attention @flypal, his profile says he works as part of your ground staff & yet he puts out such a derogatory comment, practically calling me out as a wh*re when 99% of the comments have been so positive because we made Kuya Josh happy,” saad ng aktres.

“And I have been so consistent in my praise for the very visible improvements in your airline. Sad to have a member of your team post in such a way that reflects badly on our flag carrier,” dagdag nito.

Sa ngayon, burado na ang nasabing comment maging ang IG account ng hinihinalang empleyado ng PAL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?