Dahil tinutulak ang homeschooling habang may coronavirus pandemic, naisipan ni Kris Aquino na magbigay ng laptop sa walong pamilya.
Pinakita niya sa Twitter ang screenshot ng pagbayad niya para sa walong 2-in-1 laptop.
Tutulungan aniya siya ng kanyang Cornerstone family para pumili ng mga benepisyaryo, na iaanunsiyo niya via live video sa Hulyo 1.
“From my Father’s Day post: COME WHAT MAY, ano man ang PAGSUBOK, GAGAWIN ko ang makakaya ko para tumulong sa kapwa para MAKABANGON tayong muli… i have read your requests kaya pinagisipan ko at nagawan ng paraan,” sey ni Krissy, Hunyo 26.
“Effective po ang promo ng Shopee sa Wowowin. Sa kanila ako nag order ng 8 na 2 in 1 laptops. Earliest delivery will be June 29.”
“Homeschooling ngayon, i want to invest in the FUTURE of the Philippines. Para ito sa kinabukasan ng ating mga anak- helping their EDUCATION.”
“Please FOLLOW me and LIKE this post both on IG & on FB. Kwentuhan nyo ko tungkol sa mga anak ninyo… My Cornerstone family will help me choose sino ang 8 families ang makaka-receive ng 2 in 1 laptop,” wika pa ng aktres-negosyante.
Lahat ng magulang ang hangarin mapagtapos sa pag-aaral, maging maganda ang kinabukasan, at maging masaya ang mga anak nila. Yesterday, i could really feel the LOVE & GUIDANCE of my parents.
From my Father’s Day post: COME WHAT MAY, ano man ang PAGSUBOK, GAGAWIN ko ang makakaya ko pic.twitter.com/B5FtNv8RE6— Kris Aquino (@krisaquino214) June 26, 2020
Sa Agosto 24 nakatakdang buksan ang school year 2020-21, kung saan ilan sa mga ilalatag ay ang radio, television, online at modular learning pamalit sa pagpasok sa eskwelahan.