24

Apr 12, 2021 @ 22:53
By

Kris mamimigay ng P10K sa mga follower

Magpapaulan ng biyaya si Kris Aquino sa kanyang mga social media follower bilang parte ng 14th birthday celebration sa April 19 ng bunsong si Bimby.

Ayon sa video na naka-post sa kanyang mga social media page, 21 na mananalo ng P10,000 ay mula sa kanyang mga Facebook follower habang pito sa Instagram.

“All I ask is that ang hashtag ninyo… #justlive or kung gusto n’yong Tagalugin #mabuhay,” sabi ng Queen of All Media.

“Bago mag-April 19, may tatawag sa inyo, ibe-verify na totoo kayo, titingnan kung talagang follower kayo,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?