40

Oct 6, 2020 @ 0:03
By

Kris mamimigay ng health card

Ikinuwento ni Kris Aquino sa social media ang pagsailalim niya sa COVID-19 swab test nong Agosto kasama ang kanyang team.

Sabi ng Queen of all Media sa Facebook post nitong Lunes, nag-negative sila ni Bimby sa COVID-19 pero apat sa kanyang team member ang nagpositibo.

Tatlong linggo raw silang nag-quarantine ni Bimby.

“I’ve been blessed w/ a loyal & dedicated TEAM. we went through a difficult time from mid August to early September when Covid-19 became REAL for us – kuya josh was in Tarlac, bimb & i were spared- BUT 4 tested positive. 1 of them needed 2 months to fully recover,” ani Kris.

Natutunan daw niya sa COVID-19 pandemic na kahit gaano ka kaingat ay maaari pa ring mangyari ang pagkakasakit at aksidente.

“I should take care of my family and those who take care of us,” aniya.

Kaya naman may pa-give away siyang 50 ER Care Card na may P100,000 coverage kabilang ang COVID-19.

“I have 50 @insularhealthcareph ER Care cards with coverage up to P100,000 including for COVID-19… kailangan natin alagaan ang isa’t isa, and i feel blessed to be able to SHARE this with you. please LIKE this post & tell me why you or someone you LOVE will benefit from this ER Care card,” sey pa ng aktres.

https://www.facebook.com/krisaquino/posts/2751965391788845

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?