28

Apr 11, 2021 @ 15:22
By

Kris lilimitahan post tungkol kina Josh, Bimby

Pili na lang na mga event patungkol sa kanyang dalawang lalaking anak ang isasapubliko ni Kris Aquino.

Sinabi ito ng “Queen of All Media” habang inaamin na bahagyang sa kanya ang sisi sa pambabatikos ng ilang netizen kina Josh at Bimby.

“I’m partly to blame kung nadamay man ang mga anak ko. I’m taking full responsibility. I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris but I can choose what I can show you,” sey ni Aquino sa 21-minutong video sa kanyang social media accounts, Biyernes.

Balak na aniya niyang gayahin kung ano lang ang mga pinapakita ng “regular na tao” sa kanilang online pages.

“They post birthdays. They post trips. They post ‘pag nag-graduate ang mga anak. They post milestone moments. So that’s the decision I made, ‘yon ang ipapakita ko sa inyo. The regular things that regular people show people dahil lahat ng magulang yun ang ginagawa,” ani Kris.

Gusto aniya niyang bigyan ng “sapat na privacy” ang kanyang mga anak.

“You will still see them dun sa mga events na mga regular na tao. ‘Yun ang mga nilalabas nila eh so nire-review ko. They will have enough privacy. But you cannot see them as often as you used to,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?