432

Aug 5, 2018 @ 20:54
By

Kris Lawrence, vape shop ang bagong business

May bagong bukas na business ang magaling na singer/recording artist na si Kris Lawrence. Isa itong vape shop na matatagpuan sa bandang South ng Metro Manila.

“Yes po vape shop ito, Wicked Wirez South ang pangalan. Were located at # 289 Aguirre Ave. BF Homes Parañaque, inside Tipsy South, next to Mini Stop,” pahayag ni Kris.

Pang-ilang business mo na ito at bakit yun ang naisip mong name ng shop mo?

“Wicked Wirez was conceptualized by me and a couple of friends. Billy Crawford has a Wicked Wirez in Commonwealth. So, connected kami. Ako naman, sa South iyong branch ko.

“Pang-apat na business ko na po ito, we want to make Wicked Wirez grow. Nag-start lang kami three weeks ago, hindi pa kami nag-grand opening,” esplika pa ng singer na kilala rin sa tawag na R&B Prince ng bansa.

Before, ang ilan sa pinasok mong business ay water refilling station at supplier ka ng sea foods sa malalaking restaurants, ‘di ba?

Nakangiting pakli ni Kris, “I am no longer affiliated with the water business, kaya I invested in something else. The seafoods are still there, hehehe.”

Masasabi mo bang safe ang vape?

Tugon niya, “So far wala namang nakikitang masama. Marami na ang nag-stop ng smoking dahil sa vape. Sa Isang stick ng nicotine, ang laman ng nicotine ay 36mg. Sa isang 65ml juice, ang laman ay 3mg nicotine lang.

“More of an oral fixation lang ito. On another note, mabango siya… Whereas sa yosi, sobrang baho.”

So, mas ire-recommend mo ang vape?

“Yes, mas ire-recommend ko ang vape, kaysa sa yosi,” saad pa ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?