26

By

Kris Lawrence nilantad kung sino ang pangarap maka-duet

Sharing is caring!

Pinaplano na ng magaling na singer/songwriter na si Kris Lawrence ang kanyang 12th year anniversary concert sa showbiz.

Gaganapin ito sa Resorts World, Newport Theater most probably by November this year.

Pahayag niya, “Ang aking solo concert will gonna be October or November. But more likely, early November, I will be celebrating my twelve years in showbiz.”

Ayon pa sa tinaguriang R&B Prince ng bansa, gusto niyang makasama rito ang kanyang mga BFF at Soul Brothers na sina Billy Crawford at JayR.

“Siyempre naman, gusto kong makasama sa special concert na ito sina Billy Crawford at JayR. I wouldnt want to do a concert na wala iyong mga soul brothers ko. Then, makakasama rin dito si Denise Laurel, plus isa pa.”

How about kung magkaroon ka ng special guest, like si Gary Valenciano?

“I love that, that would be a dream, Gary V. Special guest? Sobra!” Masayang bulalas ni Kris.

Bakit si Gary ang dream niyang maging special guest?

Esplika ni Kris, “He’s definitely idol, siya ang pinaka-idol ko sa ‘Pinas, you know not only his singing ability, just him as a person, he’s so inspiring kasi, he’s so uplifting, he makes you feel so good and I think he’s a good role model and ayun, idol ko siya talaga.”

Binanggit din ni Kris ang pinagkaka-abalahan ngayon.

“I’m promoting Ako Na Lang, its my new single written by Vehnee Saturno. I already sung it sa Wish and ngayon I’m doing my rounds para i-promote iyong bago kong single.” sambit ng sikat na R&B singer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?