121

Oct 23, 2018 @ 14:00
By

Kris Lawrence may bagong show sa Wish FM

Masayang ibinalita ni Kris Lawrence ang bago niyang show sa Wish 107.5.

Malaki ang mga papremyo rito, kaya sure kami na maraming gustong sumali at mag-aabang sa naturang show.

Kuwento niya, “May bagong online show ulit ako, Wishcovery Season 2: The Singer and the Song. This season we have seven hitmakers looking for the next singing superstar. Each one will have their ‘manok’ chosen from all over the Philippines.

“We traveled to Butuan, Cebu, Davao, Makati, Iloilo, and Naga in search of these singing gems. The hitmakers on the show include Vehnee Saturno, Jungee Marcelo, Rannie Raymundo, Noel Cabangon, Boy Christopher, Top Suzara, etcetera.

“Ako po iyong host, we’ll be airing everyday on the official Wish 107.5 Youtube channel. Oct. 29 ang start and we’ll be airing until February,” aniya.

Dagdag pa ng RnB Prince ng bansa, “It’s my second season as the host of the singing competition. The winner will receive 2 million pesos cash and contract, house and lot, and a brand new car.”

Congrats din kay Kris dahil nanalo recently ang singer/songwriter sa Awit Awards bilang Best R&B Song sa kanyang single na ‘Isang Numero’ written by Noah Zuniga and produced by Marcus Davis Jr..

Nabanggit din ni Kris ang kanyang latest single na ‘Ako Na Lang’ composed by Vehnee Saturno na out na sa iTune at Spotify. Umaasa si Kris na ang kantang ito ang kanyang magiging next hit song.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?