55

Sep 9, 2020 @ 19:34

Kris, Korina nangangamoy giyera

Nakakaladkad ang pangalan ni Korina Sanchez na diumano’y ipinalit ng producer kay Kris Aquino sa show ng TV5.

How true kaya ang tsikang si Ate Koring ang tinutukoy ni Kris sa kanyang post sa IG na pinili ng produ at ng sales team na replacement niya?

Wala pang kumpirmasyon sa tsismis na ito pero hindi raw kaya magka-giyera sina Korina at Kris kung magkatotoo ang alingasngas na ito?

Basta, deserving din si Korina kung siya ang napiling ipagprodyus ng show dahil mahusay rin itong host at buo ang kredibilidad.

Ang tanong sino ang tinutukoy ni Kris na produ? ‘Yung una ba niyang producer na diumano’y hindi niya nakasundo? O, itong pangalawa na tinarget nila?

Ayon kasi sa malapit sa unang producer ni Kris wala naman daw pinalit na show ito.

Anyway, narito ang reaction ng mga netizen sa pagkakasipa ng aktres-tv host.

@bambbifuentes, “You will always be The Queen of All Media.”

Pakli ni Kris, “thank you bamb, pero kahit wala nang title or , grateful to have true friends.”

Nagpasalamat naman siya sa hirit ni @shirl_clamor21, “God has always the reason..you are still God’s loving child..and an inspiration to many..Im already a senior and your avid follower..

Sey naman ni @divinabauer, “That’s what I love about you, your being transparent. Take care and praying for good health for you and family.”

“i’ve always believed for as long as you tell the truth, there’s no “story” you need to remember,” sagot ni Kris.

Saan naman ni @nevsgt “i po ikaw ang my problema not tv 5.”

“@nevsgt yes, the problem was me- hindi nila ko bet,” prangkang pahayag ng female tv host.

@sirlexus, “They let go of the most valuable asset they could have ever acquired in their lifetime. A Kris Aquino is THE KRIS AQUINO, no matter what. Anyway, let them savor their loss at the end part of this all. God Bless, Queen. Will keep waiting for your comeback. I will be a fan forever.”

Deklara ni @krisaquino, “@sirlexus honest, hindi ko na dinibdib kasi hindi siguro talaga meant to be- and i wanted to at least be able to move on without pretending in was anything else. Thank you though for this supportive comment. Pero move on na tayo.”

Ayon naman kay @noringai, “What’s meant for you will not pass you by. Nakaka sad na hindi matutuloy ang show mo but maybe you’re bound for better things. Lagi ko sinasabi, hindi lahat ng pinto ay nakasara para pigilan ka. Yung ibang pinto ay nakasara para proteksyunan ka. Cliche man pero totoo… May dahilan lahat. And sa ngayon, pinaka importante pa din na healthy tayo and our loved ones.”

Lahad naman ni Kris,” @noringai the fact na covid free kami ni bimb grateful na ko.” (ART)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?