67

Jun 13, 2020 @ 16:54

Kris kinain ang salita

NI: ARCHIE LIAO

Dati na noong sinabi ni Kris Aquino na wala siyang balak na pumasok sa politika.

Ngayon, nababatikos na naman siya ng mga netizen dahil sa kanyang naging pahayag kaugnay ng kanyang interes sa Political Science.

May netizen kasing nang-eklay sa kanyang kailangan ang klase ng kanyang talino sa gobyerno.

Hirit naman niya, kaya raw gusto niyang mag-aral ng Political Science ay dahil nais niyang magkaroon ng background dito para makasagot sa maraming issue tungkol dito.

May eme pa siyang maging ang kanyang amang si Ninoy ay nagsimula bilang war correspondent para sa isang pamosong pahayagan kaya wala namang masama kung maging informed siya sa mga isyung pulitikal.

Hirit naman ng mga netizen, bakit pa raw mag-aaral ng political science ang dating TV host kung wala itong intensyong sumuong sa politika.

Sey pa nila, hindi raw mapangatawanan ng dating presidential sister ang kanyang mga salita lalo pa’t maugong ang espekulasyon na may balak siyang kumandidatong senador sa 2022.

Wala itong pinagkaiba sa dating sinasabi ni Kris na babu na siya sa Instagram pero kusa siyang bumabalik. Ganoon din ang deklara niya noon na magku-quit sa showbiz pero nagsi-circulate pa rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?