13

Aug 4, 2020 @ 13:44
By

Kris: Isolation kayang sumira ng relasyon, pamilya

May mga na-realize si Kris Aquino habang may anti-coronavirus lockdown ang gobyerno.

Isa na rito, na ang panahon habang naka-isolate ay maaaring makapagpatatag o makapangwasak ng relasyon ng mga nagmamahalan.

“For most families, this could really bring them closer because it’s when you value the lives of each other more,” sey niya sa panayam sa Inquirer Entertainment.

“This could also break you apart. Unfortunately, I know a lot of couples who broke up as a result of this,” aniya pa.

Na-stranded si Kris sa Puerto Galera, kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby, sa loob ng halos tatlong buwan.

Sabi niya, may mga beses na hindi nila gustong mag-usap.

“I can only share what happened to the three of us. It was just us the whole time. We love each other, but there were moments when we just didn’t want to talk with each other anymore,” kwento ni Aquino.

“It’s not because we were in a financial bind—we know we’re very lucky. That’s why I told the boys, ‘Let’s try to be more patient with each other,’” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?