183
Kris isinugal ang mga endorsement para kay Sen. Bam
Apr 23, 2019 @ 14:55
By

Kris isinugal ang mga endorsement para kay Sen. Bam

Hindi nag-atubili si actress/TV host Kris Aquino na isapubliko ang kanyang suporta sa reeleksiyon ni Sen. Bam Aquino.

Ito ay kahit pa nakasalalay ang mga kontrata niya sa endorsement para lang suportahan ang kandidatura ng pinsan na si Sen. Bam.

Aniya, inaral umano ng mga abogado niya kung ano ang puwedeng magawa na hindi nalalabag ang mga kontrata niya at ginawan nila ng paraan para sa kanyang pinsan.

“I can’t say the word ‘vote’. I’m obeying several contracts na nagsasabing bawal. Lawyers checked it for me kung ano ang puwede kong gawin. This is the closest that I could come. I can say the number, number nine,” paliwanag ni Kris, na ang tinutukoy ay numero ni Sen. Bam sa balota na No. 9.

Iginiit ni Kris na itinakda si Sen. Bam na maging lingkod-bayan dahil sa kanyang puso para sa mga kapwa Pilipino.

Ayon pa kay Kris, handa rin si Sen. Bam na makipagtulungan sa pamahalaan para maisulong ang mga programa at polisiya na makatutulong sa taumbayan, lalo na sa mahihirap.

Nagpapasalamat naman ang misis ni Sen. Bam na si Timi kay Kris lalo pa’t pinipili lang ng aktres ang kanyang mga sinusuportahan.

Ipinagmalaki naman ni Timi ang mga nagawa ng kanyang asawa sa Senado kabilang ang libreng kolehiyo at Go Negosyo Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?