285

By

Kris hindi uubra kay Mayor Sara

Mapagkumbabang sinabi ni actress Kris Aquino na hindi niya kayang tapatan si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.

Sa kanyang Instagram Story sinabi ni Kris ang mga dahilan nito.

Una umano ay buo ang pamilya ng alkalde at abogada ito.

Aniya, tapikin lang siya physically ni Mayor Sara ay tutumba na siya.

Ayaw din umano niyang pinagsasabong ang dalawang babae.

“I am no match for mayor sara. Lawyer sya, buo ang pamilya nya, and tapikin lang nya ako – Physically tutumba ako. i hate the idea of pitting women against each other simply because the men lack the “balls’ – so pass the battle to the women. Sorry, we’re too smart for that,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?