Handang iwan ni Kris Aquino ang buhay Metro Manila para sa ikasasaya ng kanyang mga anak.
Sa Instagram post ng ‘Queen of All Media’, kinwento nito ang saya na nararamdaman ni Josh sa tuwing nasa Tarlac ito, na dating kasama ang yumaong dating Pangulo Cory Aquino.
“Whenever his Lola Cory would go to the Aquino Center in Tarlac, kasama si Josh… i perfectly understand why this is his happiest place because napaka SPECIAL ng bond nila ng lola nya… gusto talaga ni kuya Josh ang buhay probinsya,” sey ni Kris.
Sa ngayon ay nasa Tarlac si Josh dahil nais nitong magbawas ng naipong timbang dahil sa lockdown, habang sila naman ni Bimby ay nasa Pampanga.
Dahil sa payapang kapaligiran at maganda sa kalusugan ang paninirahan sa probinsya, naiisip na rin ni Kris na iwan ang Metro Manila para tumira dito.
“I never imagined that I would reach a point in my life when my heart would feel peaceful and my health would benefit so much away from the city,” sey ni Kris.
“The least likely person who would be advocating #balikprobinsya (in my case mas accurate ang #lipatsaprobinsya) because she’s always loved the vibrant energy of big cities, is seriously contemplating it now.”