135

By

Kris, Gideon magka-date sa premier night

Sharing is caring!

Si Atty. Gideon Pena ang ka-date ni Kris Aquino sa ginanap na premiere night ng ‘I Love You, Hater’ sa SM Megamall last Tuesday night. Ang akala ng marami ay hindi dadalo si Kris sa naturang premiere night, dahil nauna ngang dumating ang bunsong anak niya na si Bimby sa premiere night.

At balita rin na nang mga oras na ‘yon ay masama ang pakiramdam ni Kris, kaya ang tingin ng marami ay hindi siya darating.

Pero, bago nga magsimula ang premiere night, biglang dumating si Kris, at yes, ang guwapong abogado ang ka-date niya, ha!

May hatid na kilig sa mga fan ang pagdi-date na ‘yon nina Kris at Atty. Gideon, at kahit sinasabi ni Kris na magkaibigan lang talaga sila, marami pa rin ang nagpu-push na maging magdyowa sila.

Mababasa mo nga ang mga chika na ‘bagay talaga sila’ sa iba’t ibang social media site na naglabas ng mga photo nilang dalawa na magkasama. Ang cute nga raw tingnan nina Kris at Atty. Gideon na masayang nakaharap sa camera.

At nakaka-teenager din daw ang almost matchy-matchy style na outfit nilang dalawa sa premiere night, ha!

Samantala, sa Instagram account ni Atty. Gideon (the.mightywarrior) mababasa ang caption na ‘Even if we cant find HEAVEN I’ll walk through HELL with you…’ sa post niyang picture na nasa damuhan.

May message, comment si Kris sa post niyang ‘yon, na ang sabi, ‘THANK YOU. Because of your genuine friendship I am a better version of me.’

Eh may nag-comment sa post na ‘yon sa salitang Bikol na, “Oragon mang ilusyon pakarahaya, noy ta tibaad madisata ka. Siguradohon mong seryoso ka ta remate ka sa mga fans ni Kris. Good luck saindong duwa.”

Well, ang konting intindi ko ay parang may banta ang netizen na si @pepay_kapay na kapag niloko nito si Kris ay reresbak ang mga tagahanga ni Kris, kaya siguraduhin nitong seryoso siya sa nararamdaman niya kay Kris.

At hindi naman pinalampas ni Kris ang komento na ‘yon, na ang sagot nga niya ay, “@pepay_kapay get ko your message. @the.mightywarrior is my FRIEND and I’ve got his back in the same way I’m definite he has mine.”

Well…

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?